Halos anim na buwan nang walang primetime soap ang itinuturing na "Primetime Queen" ng GMA-7 na si Marian Rivera.
Ang huling soap na ginawa niya ay ang remake ng Koreanovela na Endless Love, kung saan nakasama niya ang boyfriend niyang si Dingdong Dantes at si Dennis Trillo.
Pero sa darating na Mayo ay muli siyang mapapanood ng kanyang mga tagahanga at mga Kapuso sa primetime sa pamamagitan ng epicserye na Amaya, na sinasabing pinakamalaking proyekto ng GMA-7.
Kaya naman excited na si Marian sa pagsisimula ng bago niyang primetime series, hindi lang dahil matagal na ang huling soap na ginawa niya kundi sa unang pagkakataon ay hindi isang remake ang gagawin niyang proyekto.
"Saka sabi ko nga, for the first time, gagawa ako ng soap, 'Ay, hindi na remake!' Original story na. E, lahat ng ginawa ko puro remake, e. Eto, original story na," sabi ni Marian.
Inilunsad ng Kapuso network si Marian sa remake ng Mexicanovela na Marimar. Nasundan ito ng remakes ng classic komiks novels na Dyesebel at Darna. Pagkatapos nito ay ginawa nila ni Dingdong ang remake ng '80s komiks novel and movie na Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. Ang pinakahuli nga niya ay ang Endless Love, na isa ring remake.
Dagdag pa ni Marian, "Tapos ngayon, nakikipag-fight scene ako, na normal na tao, walang daya. Sa Darna, may kapangyarihan; si Dyesebel, may buntot."
Nagte-training daw siya ngayon ng arnis para sa kanyang fight scenes sa Amaya.
Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Marian sa presscon ng Bampirella, ang unang handog ng horror-comedy series na Spooky Nights Presents, kagabi, March 21, sa 17th floor ng GMA Network Center.
TOPLESS PUBLICITY. Dahil ang setting ng Amaya ay noong unang panahon, may lumabas na publicity slant na "magta-topless" daw si Marian sa ilang mga eksena niya rito. Pero nilinaw ito ng 26-year-old actress sa PEP.
"Kaya yun ang sinabi ko, na hindi, hindi totoo 'yan. Nakadamit ako do'n bilang prinsesa. Siguro may shot lang na kakaiba bilang prinsesa nga, siguro katulad nung sa teaser ko, nagbibihis ako. Pero hindi naman ibig sabihin na palaging nakahubad," paliwanag ni Marian.
Sa pagkakaalam ni Marian ay kinausap na raw ng manager niyang si Popoy Caritativo ang pamunuan ng Kapuso network kaugnay ng lumabas na publicity slant na ito tungkol sa Amaya
"Kasi nagagalit nga yung mga fans, bakit daw yun ang ibinibenta," sabi ng aktres. "Kaya sabi ko, hindi po. Yung ibinibenta po dito, yung istorya, yung epic story siya, at saka original story."
Marami rin ang nagtatanong kung paano magiging kapani-paniwala ang pagganap ni Marian bilang isang sinaunang Filipina kung mestiza ang kulay ng kanyang balat.
Pero paliwanag niya, "Kasi, ang tawag daw sa akin ay binukot. Ang mga binukot daw noong araw, mapuputi, kasi prinsesa na hindi pinabibilad sa araw. So, ako lang yung tao sa pulo na 'yon na maputi, kasi ako ang prinsesa nila. Lumabas lang ako nung may nangyari sa tatay ko."
Nagsimula na raw siyang mag-taping para sa Amaya, pero sa May 9 pa raw ang target airing nila.
NEW LEADING MAN. Isang bagong mukha ang isa sa mga leading men ni Marian sa Amaya—ang commercial and print model na si Mikael Daez.
Dahil alam ng publiko na may kasintahan na si Marian sa katauhan ni Dingdong Dantes, ano sa palagay niya ang magiging pagtanggap ng mga manonood sa "bagong tambalan" nila ni Mikael?
"Alam mo, sa totoo lang, yung Amaya naman, hindi umiikot sa kanila [leading men], e—sa akin at sa tatay ko," sabi ni Marian, na ang tinutukoy ay ang gaganap bilang ama niya sa serye na si Raymond Bagatsing.
Ibig bang sabihin nito ay walang love angle sa Amaya?
"Siguro meron, kasi wala namang soap na walang ka-loveteam, e. Lahat 'yan meron. Pero still, Amaya is Amaya... Si Amaya, prinsesa, magiging alipin, magiging warrior. Dun magsisimula ang paglalakbay niya pag naging warrior na siya," sabi ni Marian.
Si Mikael din ang gumaganap na leading man ni Marian sa Bampirella. Kaya tinanong ng PEP ang aktres kung magsisilbi bang "trial" ang Bampirella para sa tambalan nila sa Amaya.
"Actually oo," sagot niya. "Kasi hindi pa napipili si Mikael, sinabi na 'yan na kung sino ang mapipili na partner ko sa Amaya, ilalagay sa Bampirella. Para magkaroon na kami ng rapport. Para pag nakita na kami sa Amaya, alam na nila, 'Ay si Mikael 'yan, partner niya 'yan sa Bampirella.'"
Ang isa pang kapareha ni Marian sa Amaya ay ang award-winning actor na si Sid Lucero.
Kumusta naman ang chemistry nila ni Mikael?
"Okay naman," sagot niya. "Kaso nga, hindi kami yung masyadong nag-uusap, bonding. Kasi nga, si Ate Gelli [de Belen], si Ate Gladys [Guevarra], kami yung nagtsitsismisan lagi [sa set]. Tapos sila nung mga boys, sila ni Marc Abaya, may sarili silang mundo, may sarili silang tent, may sarili rin kaming tent."
Hindi ba nai-intimidate sa kanya si Mikael bilang isang baguhang aktor?
"Sabi nila sa akin, nung una daw. Pero nung nakita niya kung paano ako magtrabaho, paano ako ka-dedicated sa trabaho ko na pag take, take talaga, naging ano daw siya, naging okay naman," sabi Marian.
Si Marian ba ay na-intimidate noong bguhan pa lang siya sa mga nakatrabho niyang artista?
"Alam mo, sa totoo lang, wala," sagot niya. "Kasi lahat ng mga nakatrabaho ko noon—sila Nanay Rita Avila, Nanay Perla [Bautista]—tinulungan talaga nila ako. Na hanggang ngayon, may communication pa rin kami, ha. Ganun katindi. After four years, kami pa rin ang magkaka-text, kami pa rin ang magkakausap.
"Ayokong sabihin na intimidate, siguro natsa-challenge ako at sinabi ko sa sarili ko na, 'Ay, sana balang-araw maging ganyan din ako.' Pero para ma-intimidate ako, ay, hindi. Pinili ko 'to, e. E, di gawin ko lahat para rin, alam mo yun, umangat ako."
pep.ph
March 22, 2011
0 comments:
Post a Comment