Saturday, April 23, 2011

The twists and turns in the life of Mel Tiangco




"Ganito pala 'kako mag-artista."

Mel Tiangco is not talking about starring in a lead role for a show, she's reminiscing her experience as host of her defunct weekly anthology program Magpakailanman.

She sees this show as way more difficult than the one she's hosting now,Powerhouse. The new show will feature the amazing houses and the private lives of the country's newsmakers.

"Mahirap. Parang ang shooting niyan nasa beach, andyan na yung mga insekto... Na-appreciate ko ang artista dun ah. Dun ko nakita [na] ang artistang magaling, dapat pala matalino din. Aba, yun lang mga lines na ganun na pinamememorya sa akin, naku, hirap na hirap ako, e."

It's a different stroke for her lifestyle show on GMA-7 every Sunday. Laughing, she says,  "Iba ito. Yung Mel & Joey, si Joey lang yun, e."

Almost seven years of working as co-hosts, the newscaster reveals that in one way or another, she and the comedian have influenced each other.

"Ibang tao si Joey, e...Pagdating sa Mel & Joey, he doesn't hide it, he shows every part. Naging disente daw siya nang makasama ko siya. He says that to everybody."

For her part, the show serves as a breather from primetime news program 24 Oras,where she has to look always formal.

"I love it. Kasi alam niyo, masyado akong ano, e, napaka-stiff ng personality ko, yung proper masyado, yung ganun..."

But when asked what she enjoys more, Mel couldn't pinpoint which. Newscasting has been part of her life for the longest time, while hosting is something new and exciting.

"Alam mo, hindi ko na masasagot 'yan. You know why? Kasi all of that has become my lifestyle, e. Hindi mo na masasabi na mas gusto ko 'to kaysa dito, hindi, e."

"Naka-wired ka na, you know, pagdating ng Friday, nagsu-shoot ako ng Mel & Joey, pagdating ng Wednesday, magsu-shoot ako ng Powerhouse, naka-wired na ko ng ganun, e. Parang yung natural na yung lifestyle ko na ba. Parang hindi na siya work, parang buhay ko na, e."

LOOKING BACK: THE TRANSFER.  Talking about her life as a TV personality,  Mel also relates the struggles that she had to go through before making it to where she is now.

It will be recalled that the first 10 years of her career had been with the ABS-CBN network. She moved to GMA-7 after the Kapamilya management deemed her appearance in a TV commercial for a popular laundry detergent a violation.

Looking back, Mel feels grateful to the Kapuso network, which took good care of her.

"Wala, pagpunta ko dito [GMA], after a few months, I had my heart attack. Then the GMA Management, ang bait, bait nila, they are so good to me. Biruin mo, wala pa kong trabahong nagagawa, they took care of my hospital bills, and we're talking here of millions..."

These struggles tested her strength and perseverance. She says she remained positive and saw her decision as God's plan for her.

"Let me put it this way, I really feel that this is providential. It is really God telling me where to go. This makes me feel that He's really giving me a mission kung ano gagawin ko."

And it was GMA-7 "that helped a lot" and "supported you all the way."

LOOKING FORWARD: HELPING PEOPLE. In return, she gives back via GMA Kapuso Foundation, which appointed her as its executive vice president and chief operating officer.

GMA Kapuso Foundation is a project by GMA Network initially to aid  the victims of the Mt. Pinatubo eruption in 1991. From then on, the Foundation has continually rendered service by giving relief supplies to the victims of different calamities, as well as assisting ailing patients through the allotted segment "Kapusong Totoo" in 24 Oras.

But after dedicating herself to the masses for so many years, she thinks there's still more for her to do in her life.

"I still feel that there's still really something left to do. Meron pa eh, hindi ko lang alam saan at kung kailan."

When politics was suggested to her, she quickly said no. Even though being in politics could allow her to help people more, she wants to be in public service without politics getting in her way.

"Without being in politics. That's how I want it, without being in politics. Kung baga, Cory Aquino na hindi tumakbo. Parang gusto ko ganun, yung nae-envision ko."

She revealed that her reason for not entering politics is her fear of losing God's grace.

"Kasi natatakot ako na baka mabawasan yung grasya na binigay sa akin ng Diyos. Kasi I'm doing my public service without nothing in return. Just my love for public service, my love for my people, my country, sabi ko pag ako tumakbo ng politics, baka mababawasan."

Her apprehension doesn't stop her though from asking God to give her the chance to make her own mark in people's hearts.

"Parang ang ambisyon ko na God will give me the opportunity to really make a positive mark to the lives of my countrymen. I don't even know what I want. All I want is magkaroon sana ako ng ganun pagkakataon," says Mel Tiangco.

Gloria Romero joins cast of Kapuso teleserye directed by Maryo J. de los Reyes



Sa kauna-unahang pagkakataon ay gagawa ng isang family drama series ang isa sa tinaguriang Queen of Philippine Movies na si Ms. Gloria Romero sa GMA-7 na may titulong Munting Heredera.

Magsisimula na nga ang kaabang-abang na serye na ito sa May 9 bilang kapalit ng matatapos na telefantasya na Dwarfina.

Matagal na ngang gustong kunin ng Kapuso network ang serbisyo ni Ms. Gloria Romero bilang isang aktres, pero nagkakataon na parati siyang merong TV project sa ABS-CBN 2. Pero sa pagkakataong ito ay nagustuhan niya ang istorya ng Munting Heredera kaya mapapanood na siya sa GMA-7 this May.

Sa ginawang pag-welcome ni German "Kuya Germs" Moreno kay Tita Glo sa programang Walang Tulugan With The Master Showman last April 16, masayang-masaya si Tita Glo dahil excited na siyang magsimulang magtrabaho bilang isang Kapuso.

"For the past 15 years, I've been working non-stop with ABS-CBN 2.  They have been good to me sa matagal na panahon. Hinding-hindi ko makakalimutan ang pagiging Kapamilya ko.

"This time, gusto ko namang ma-experience ang maging isang Kapuso. Though I have done movies with GMA Films (Let The Love BeginMoments Of Love) before, this is my first time to work sa TV network nila.

"Maganda ang mga projects na binigay nila, so bakit ko naman hindi gagawin, 'di ba? I am very thankful sa Panginoon na sa edad nating ito, patuloy ang pagbigay ng blessings sa atin. Hindi tayo nawawalan ng biyaya," ngiti pa ni Tita Glo.

Umabot na sa 60 years ang tinakbo ng showbiz career ni Ms. Gloria Romero (Gloria Galla in real life). Pinanganak sa Denver, Colorado ang 77-year old actress, pero sa Mabini, Pangasinan nakapag-aral hanggang sa makuha siyang artista ng Sampaguita Pictures noong 1952.

Mga memorable performances ni Tita Glo sa pelikula ay ang kanyang mga comedy roles tulad na lang sa Dalagang Ilokana, Kurdapya, Miss Tilapia, Mariposa, Hootsy-Kootsy, Hong Kong Holiday, Anak Ni Biday vs. Anak Ni Waray, Rollerboys, Narinig Mo Na Ba Ang L8est?, I Wanna Be Happy, I Think I'm In Love at Fuchsia.

Pero nagpakita rin ng kanyang husay sa drama si Tita Glo sa mga pelikulang Sino Ang Maysala?, Ikaw Ang Aking Buhay, Pinagbuklod Ng Langit, Lumuha Pati Mga Anghel, Dear Mama, Condemned, Kung Mahawi Man Ang Ulap, Bilangin Mo Ang Mga Bituin Sa Langit, Saan Nagtatago Ang Pag-ibig?, Kapag Langit Ang Humatol, Nagbabagang Luha, American Adobo, Tanging Yaman at Magnifico.

Through the years ay naging isang award-winning actress na si Tita Glo. She won three FAMAS Awards in 1955 (Best Actress for Dalagang Ilokana), 1989 (Best Supporting Actress for Nagbabagang Luha) and 2001 (Best Actress for Tanging Yaman), as well as three Film Academy Awards in 1987 (Best Supporting Actress forSaan Nagtatago Ang Pag-ibig), 2001 (Best Actress for Tanging Yaman) and 2004 (Best Suppporting Actress for Magnifico).

She bagged two Gawad Urian Awards in 2001 (Best Actress for Tanging Yaman) and 2004 (Best Supporting Actress for Magnifico); one Golden Screen Award in 2009 (Best Actress in a Comedy/Musical for Fuchsia), as well as a Star Award in 1987 (Best Supporting Actress for Saan Nagtatago Ang Pag-ibig) and numerous Lifetime Achievement awards.

Naging active rin si Tita Glo sa paggawa ng mga TV shows, sitcom at drama series, mostly sa bakuran ng ABS-CBN 2. Nagsimula siya sa sitcom na Palibhasa Lalake in 1991 at nagtuluy-tuloy na ito sa mga shows na Familia Zaragoza, Sa Dulo Ng Walang Hanggang, OK Fine Whatever, Sana'y Wala Nang Wakas, Mga Angel Na Walang Langit, Crazy For You, Komiks, Lastikman, Palos, I Love Betty La Fea, May Bukas Pa, Your Song, Kung Tayo'y Magkakalayo at Kokey@Ako.

Kahit dalawa ang shows ni Tita Glo sa GMA-7, lalabas pa rin siya sa isang teleserye sa Dos na 100 Days To Heaven.

Sa Munting Heredera, na mula sa direksyon ni Maryo J. delos Reyes, gaganap si Tita Glo bilang si Doña Anastacia, isang mayamang biyuda na naghahanap sa kanyang munting heredera.

Kasama nga sa cast sila Mark Anthony Fernandez, Camille Prats, Katrina Halili, Neil Ryan Sese, Ynez Veneracion, Leandro Baldemor, Gabby Eigenmann, Luz Valdez, Joyce Ching, Kristal Reyes, Kristoffer Martin and Roderick Paulate.

Pinapakilala naman ang mga child stars na sila Mona Louise Rey, Kyle Daniel Ocampo at Barbara Miguel.

Bukod sa Munting Heredera, kasali rin si Tita Glo sa TV remake ng comedy classic na Andres de Saya na pagbibidahan ni Cesar Montano with Iza Calzado.