Sunday, March 20, 2011

Eat Bulaga! stays with the Kapuso network for another three years

Mananatiling Kapuso pa rin ang Eat Bulaga! hanggang taong 2014.

Pumirma ng extension contract sa GMA-7 ang TAPE Inc., na siyang producer ng longest-running noontime show sa bansa, kaninang hapon, March 11, sa GMA Network Center.

Present sa contract signing ang top executives ng Kapuso network na sina Atty. Felipe Gozon at Mr. Jimmy Duavit, ang TAPE president na si Antonio Tuviera, at ang supervising producer ng show na si Malou Choa-Fagar.

Sinaksihan ito ng mga Dabarkads (Eat Bulaga! hosts) sa pangunguna nina Senator Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon; kasama sina Anjo Yllana, Jimmy Santos, Allan K, at Ruby Rodriguez.

Wala naman daw sa isip nina Tito, Vic at Joey na lumipat pa sa ibang istasyon kahit merong nagpaparating ng interes na kunin ang Eat Bulaga!.

Mula nung 1995 pa sa GMA-7 ang Eat Bulaga! at hindi na raw nila naisip na lumipat pa sa ibang istasyon.

Mas concern daw nila ngayon kung paano pa makatulong ang Eat Bulaga! sa mga manonood dahil ang isa raw sa pagbabago ng programa ay ang pagbibigay ng public service sa mga manonood.

Habang tumatagal ay lalo raw silang lumalakas at nagiging masipag para lalong pagandahin ang Eat Bulaga!.

Hindi na kami napapagod, e,” sabi ni Joey. “Bale ito na ang aming pahinga dahil more than 30 years na ginagawa namin ito araw-araw, dito na kami nagpapahinga at nare-recharge.”

Hindi naman itinatanggi ni Mr. Duavit na malaking bagay ang mga naririnig nilang may mga ilang istasyong balak kunin ang Eat Bulaga!.


Aniya, “Hindi naman maipagkakaila na may mga haka-haka na nadiding at hindi namin maitatanggi na sanhi rin ito ng desisyong mag-extend ng contract.

“Well, naging matibay ang pagsasamahan, pero mas mabuting lalo pa itong ipagtibay.”

Hindi naman sila nahirapan sa pakikipag-usap sa Eat Bulaga! dahil hindi naman daw biro ang halos labing-anim na taong pagsasama nila kaya dapat na maging bahagi pa rin ng GMA-7 ang Eat Bulaga!.


Pahayag naman ni Mr. Tuviera; “Ang pakiramdam namin ngayon, parang renewal of vows lang ito. Parang mag-asawa na to continue na magbigay ng tuwa’t saya sa mga manonood.

“Talagang kami’y nananalangin na sana bigyan pa kami ng GMA-7 ng mahabang buhay sa telebisyon para patuloy na maging parte ng buhay ng mga Pilipino. Kaya malaki ang pasasalamat namin sa GMA.”

Dugtong naman ni Atty. Gozon, “Bihira lang kasi ang variety show na tumatagal ng ganito katagal at alam ko marami ang nagkagusto diyan. Parang babaeng maganda iyan na maraming nanliligaw.”

pep.ph

March 11, 2011

0 comments:

Post a Comment