Friday, April 29, 2011

Marian Rivera's Amaya leads May offering of Kapuso network


Inilatag ng GMA-7 executives ang mga nakahandang programa ng network sa buwan ng Mayo sa pamamagitan ng isang press conference na ginanap kaninang tanghali, April 29, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Humarap sa piling entertainment press, kabilang na ang PEP (Philippine Entertainment Portal), sina Wilma Galvante (SVP for Entertainment TV), Marivin Arayata (VP for Entertainment TV), Darling de Jesus (AVP for musical/specials), Janine Piad-Nacar (AVP for Talk), at Redgie Magno (newly-promoted AVP for Drama).



AMAYA. Una sa listahan ng Kapuso network ngayong Mayo ang epicserye na Amaya.

Ito ang tinatayang pinakamalaki, pinakamagarbo, at pinakamagastos na produksiyon sa kasaysayan ng GMA-7.

Tampok dito ang tinaguriang Primetime Queen ng GMA-7 na si Marian Rivera.

Gagampanan niya rito ang mapanghamong papel ng isang babae na biniyayaan ng kapangyarihan, na gagamitan niya upang gabayan ang kanyang mga tao sa panahong pinamumunuan ito ng mga kalalakihan.

Ilan sa mga kasama ni Marian dito sina Glaiza de Castro, Sid Lucero, Mikael Daez, at Rochelle Pangilinan.

Nakatakda itong magsimula sa May 30.



MUNTING HEREDERA. Ang family drama na Munting Heredera ang kauna-unahang proyekto ng movie queen na si Gloria Romero sa bakuran ng Kapuso network.

Tampok din dito sina Roderick Paulate, Mark Anthony Fernandez, Camille Prats, at Katrina Halili.

Kasama pa ang tatlong baguhang child stars na sina Mona Louise Rey, Kyle Daniel Ocampo, at Barbara Miguel.

Magsisimula itong mapanood sa May 9.

BLUSANG ITIM AND SISID. Dalawang young actress naman ang nakatakdang ilunsad ng GMA-7 sa Dramarama Sa Hapon ngayong Mayo—sina Kylie Padilla at Jackie Rice.



Si Kylie, na anak ng action star na si Robin Padilla, ang gaganap sa TV remake ng '80 movie na Blusang Itim, na unang ginampanan ni Snooky Serna.

Ang Blusang Itim din ang maglulunsad sa acting careers nina Frank Magalona (anak ng yumaong rapper na si Francis Magalona at Pia Magalona) at Winwyn Marquez (anak nina Alma Moreno at Joey Marquez).

Kasama rin sa cast sina Gary Estrada, Rita Avila, Jackielou Blanco, Marissa Delgado, at Carl Guevara, sa role ng isa pang leading man.

Nakatakda itong magsimula sa May 16.



Ang StarStruck 3 Ultimate Female Survivor na si Jackie naman ang pangunahing bituin sa Sisid.

Ang orihinal na istoryang ito ay tungkol sa pearl divers, pagkagahaman, at inosenteng pag-ibig.

Leading men ni Jackie rito sina JC Tiuseco, Ian Batherson, at Dominic Roco.

Magsisimula ito sa May 30.



PACQUIAO FIGHT. Siyempre pa, ang halos lahat ng Pinoy ay nag-aabang na sa laban ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao kontra sa American boxer na si Shane Mosley.

Ipapalabas ng GMA-7 ang laban nina Pacquiao at Mosley sa Las Vegas sa May 8.



ANDRES DE SAYA. Tampok naman sa TV remake ng comedy classic movie naAndres de Saya sina Cesar Montano at Iza Calzado. Gagampanan nila ang roles na unang ginampanan nina Vic Vargas at Gloria Diaz.

Ang once-a-week comedy series na ito ay tumatalakay sa istorya ng isang machong lalake, si Andres, na nagiging "under de saya" kapag kaharap na ang kanyang misis.

Sa May 28 ang first airing nito.



KOREANOVELAS. Sa pagtatapos ng toprating na The Baker King, isa na namang Koreanovela ang magsisimula simula sa Lunes, May 2, ang Secret Garden.

Tampok dito ang tambalan ng Hwang Jini lead star na si Ha Ji-won at ng My Name Is Kim Sam Soon heartthrob na si Hyun Bin.

Gagampanan nila ang dalawang nilalang na nagkapalit ng katauhan dahil sa isang magical phenomenon.

Bukod sa Secret Garden, ang isa pang aabangang Koreanovela ng mga Kapuso ay ang Playful Kiss.

Base sa isang sikat na Japanese manga, tungkol ito sa isang maganda ngunit clumsy na babae na posibleng makakuha ng tsansa sa perpekto ngunit cold-hearted na lalake.

Bida rito sina Jung So Min at Kim Hyun Joong.

MIND MASTER. Isa pang kaabang-abang na programa ngayong Mayo ay ang four-part special na Mind Master, tampok ang mentalist na si Nomer Lasala.

Ang apat na episodes nito ay may iba't ibang hosts. Ang una ay si Ogie Alcasid, at susundan siya nina Eugene Domingo, Dingdong Dantes, at Edu Manzano.

Magsisimula ito bukas, April 30.

OTHER SHOWS. Ang iba pang mga shows ng Kapuso network na magsisimula sa Mayo ay ang mga sumusunod:

My Chubby World, isang kiddie show na ihu-host nina Renz Velario, Zyrael Jestre, Daniela Jessica Amable, at Gianne Cutler. Magsisimula ito sa May 14.

Ground Zero: Sa Gitna ng Nagbabagong Mundo, isang environmental documentary na tumatalakay sa lindol. Ipalalabas ito sa May 1 sa SNBO.

Sabadabadog, isang education show na ihu-host ni Tonipet Gaba na nakatakdang magsimula sa huling bahagi ng Mayo.

Sa May 1 din ipalalabas ang beatification ceremonies ni Pope John Paul na pinamagatang Blessed: John Paul II.

1 comments:

Anonymous said...

Blusang Itim - The story is so BORING as well as the main characters. INAAPI na naman ang pinaka-theme nitong show. Needs improvement sa story pati na rin sa mga main characters. I hope you will take this as constructive criticism.

Munting Heredera - so BORING din. INAAPI na naman ang pinaka-theme nitong show, wala na bang iba?

Andres De Saya - funny and interesting show. Characters and dialogues are good. I like to watch this show.

AMAYA is the BEST show I've ever watch. Thank you GMA for this quality show.

Post a Comment