Sa kauna-unahang pagkakataon ay gagawa ng isang family drama series ang isa sa tinaguriang Queen of Philippine Movies na si Ms. Gloria Romero sa GMA-7 na may titulong Munting Heredera.
Magsisimula na nga ang kaabang-abang na serye na ito sa May 9 bilang kapalit ng matatapos na telefantasya na Dwarfina.
Matagal na ngang gustong kunin ng Kapuso network ang serbisyo ni Ms. Gloria Romero bilang isang aktres, pero nagkakataon na parati siyang merong TV project sa ABS-CBN 2. Pero sa pagkakataong ito ay nagustuhan niya ang istorya ng Munting Heredera kaya mapapanood na siya sa GMA-7 this May.
Sa ginawang pag-welcome ni German "Kuya Germs" Moreno kay Tita Glo sa programang Walang Tulugan With The Master Showman last April 16, masayang-masaya si Tita Glo dahil excited na siyang magsimulang magtrabaho bilang isang Kapuso.
"For the past 15 years, I've been working non-stop with ABS-CBN 2. They have been good to me sa matagal na panahon. Hinding-hindi ko makakalimutan ang pagiging Kapamilya ko.
"This time, gusto ko namang ma-experience ang maging isang Kapuso. Though I have done movies with GMA Films (Let The Love Begin, Moments Of Love) before, this is my first time to work sa TV network nila.
"Maganda ang mga projects na binigay nila, so bakit ko naman hindi gagawin, 'di ba? I am very thankful sa Panginoon na sa edad nating ito, patuloy ang pagbigay ng blessings sa atin. Hindi tayo nawawalan ng biyaya," ngiti pa ni Tita Glo.
Umabot na sa 60 years ang tinakbo ng showbiz career ni Ms. Gloria Romero (Gloria Galla in real life). Pinanganak sa Denver, Colorado ang 77-year old actress, pero sa Mabini, Pangasinan nakapag-aral hanggang sa makuha siyang artista ng Sampaguita Pictures noong 1952.
Mga memorable performances ni Tita Glo sa pelikula ay ang kanyang mga comedy roles tulad na lang sa Dalagang Ilokana, Kurdapya, Miss Tilapia, Mariposa, Hootsy-Kootsy, Hong Kong Holiday, Anak Ni Biday vs. Anak Ni Waray, Rollerboys, Narinig Mo Na Ba Ang L8est?, I Wanna Be Happy, I Think I'm In Love at Fuchsia.
Pero nagpakita rin ng kanyang husay sa drama si Tita Glo sa mga pelikulang Sino Ang Maysala?, Ikaw Ang Aking Buhay, Pinagbuklod Ng Langit, Lumuha Pati Mga Anghel, Dear Mama, Condemned, Kung Mahawi Man Ang Ulap, Bilangin Mo Ang Mga Bituin Sa Langit, Saan Nagtatago Ang Pag-ibig?, Kapag Langit Ang Humatol, Nagbabagang Luha, American Adobo, Tanging Yaman at Magnifico.
Through the years ay naging isang award-winning actress na si Tita Glo. She won three FAMAS Awards in 1955 (Best Actress for Dalagang Ilokana), 1989 (Best Supporting Actress for Nagbabagang Luha) and 2001 (Best Actress for Tanging Yaman), as well as three Film Academy Awards in 1987 (Best Supporting Actress forSaan Nagtatago Ang Pag-ibig), 2001 (Best Actress for Tanging Yaman) and 2004 (Best Suppporting Actress for Magnifico).
She bagged two Gawad Urian Awards in 2001 (Best Actress for Tanging Yaman) and 2004 (Best Supporting Actress for Magnifico); one Golden Screen Award in 2009 (Best Actress in a Comedy/Musical for Fuchsia), as well as a Star Award in 1987 (Best Supporting Actress for Saan Nagtatago Ang Pag-ibig) and numerous Lifetime Achievement awards.
Naging active rin si Tita Glo sa paggawa ng mga TV shows, sitcom at drama series, mostly sa bakuran ng ABS-CBN 2. Nagsimula siya sa sitcom na Palibhasa Lalake in 1991 at nagtuluy-tuloy na ito sa mga shows na Familia Zaragoza, Sa Dulo Ng Walang Hanggang, OK Fine Whatever, Sana'y Wala Nang Wakas, Mga Angel Na Walang Langit, Crazy For You, Komiks, Lastikman, Palos, I Love Betty La Fea, May Bukas Pa, Your Song, Kung Tayo'y Magkakalayo at Kokey@Ako.
Kahit dalawa ang shows ni Tita Glo sa GMA-7, lalabas pa rin siya sa isang teleserye sa Dos na 100 Days To Heaven.
Sa Munting Heredera, na mula sa direksyon ni Maryo J. delos Reyes, gaganap si Tita Glo bilang si Doña Anastacia, isang mayamang biyuda na naghahanap sa kanyang munting heredera.
Kasama nga sa cast sila Mark Anthony Fernandez, Camille Prats, Katrina Halili, Neil Ryan Sese, Ynez Veneracion, Leandro Baldemor, Gabby Eigenmann, Luz Valdez, Joyce Ching, Kristal Reyes, Kristoffer Martin and Roderick Paulate.
Pinapakilala naman ang mga child stars na sila Mona Louise Rey, Kyle Daniel Ocampo at Barbara Miguel.
Bukod sa Munting Heredera, kasali rin si Tita Glo sa TV remake ng comedy classic na Andres de Saya na pagbibidahan ni Cesar Montano with Iza Calzado.
0 comments:
Post a Comment