Tuesday, April 26, 2011

Aljur Abrenica at Kris Bernal, lead stars sa ‘SPOOKY NIGHTS PRESENTS: THE RING TONE’



Ang self-made Kapuso stars na sina Aljur Albrenica at Kris Bernal ang lead stars sa ikalawang handog ng Spooky Nights na The Ring…Tone. Papalitan nito ang Bampirellani Marian Rivera at mag-uumpisa ngayong Sabado (Abril 30). 

Bilang sabay na sumikat, mula Starstruck hanggang sa kani-kanilang title role, subok nang matatag at pangmatagalan ang team-up at friendship nina Aljur at Kris. 



Huling napanood sa primetime soap na Machete, ang Al-Kris love team ay nagbabalik sa isang horror comedy series na hango sa Asian horror films tulad ng “The Ring”, “The Grudge” at “The Eye”. 

Sa kwento, gaganap si Aljur bilang isang “bad boy” na nagngangalang Brix. Siya ay “maginoo pero medyo bastos” at nanliligaw sa isang sweet girl na ginaganapan naman ni Kris. Sa kabilang banda, mahinhin at may pagka-“manang” ang role ni Kris bilang Nancy. May lihim itong pagtingin kay Brix pero magpapakipot siya sa binata. 

Magsisimula ang kwento sa pagkapanalo nina Brix, Nancy at ng kanilang mga kaibigan sa isang radio text promo ng libreng weekend treat sa isang resort. Lingid sa kanilang kaalaman, hindi pala masaya kundi nakakatakot ang kanilang summer adventure dahil sa isang mapaghiganting multo na nagngangalang Sad-ako. 

Sa gitna ng mga nakakatakot at nakakabaliw na sitwasyon, masusubok ng magkakaibigan ang tibay ng kanilang samahan, lalo na kapag natuklasan nilang minumulto sila ni Sad-ako dahil kay Brix. 

Magkatuluyan pa kaya ang opposites na sina Brix at Nancy? Ang paghihiganti at kaugnayan kaya ni Sad-ako kay Brix ang magiging mitsa upang maudlot ang pagtingin ni Nancy sa binata? Makakalabas kaya nang buhay ang barkada sa minumultong resort? 

Sa direksyon ni Lore Reyes, makakasama nina Aljur at Kris sa series sina: Sam Pinto bilang Tricia, kaibigan at love rival ni Nancy; Sef Cadayona bilang Vanessa, BFF nina Nancy at Tricia na may special gift; Gerould Aceron bilang Mac, nakababatang kapatid ni Brix; DJ Rico Robles bilang Papa King, ang mysterious DJ; Gene Padilla bilang Mang Aga, driver ng tropa; Benjie Paras bilang Dr. Morgan; at Moymoy Palaboy sa kanilang surprise roles. 

Simula Abril 30, ang Spooky Nights Presents: The Ring…Tone ay mapapanood tuwing Sabado bago ang Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA 7.

igma.tv

0 comments:

Post a Comment